Anjo Yllana, nasaktan nang maghiwalay sina Jomari at Aiko


SA guesting ni Anjo Yllana sa YouTube channel ng ex-sister- in law niya na si Aiko Melendez, sinabi ng una sa huli, na nasaktan siya nang makipaghiwalay dito ang kapatid niyang si Jomari Yllana.
Sabi ni Anjo kay Aiko,"Nung nag-break kayo, nasaktan ako noon. I advised him. Sabi ko next time ha, ako minsan lang ako magsalita, bilang kuya at wala na kasi ang daddy ko noon. Sabi ko sa kanya, ang pakiusap ko lang sa 'yo, kapag nagkaroon ka ng girlfriend uli, bigyan mo ng 5 years bago ka mag-asawa ulit, kasi ayokong mag-gigirlfriend ka, mag-aasawa ka, tapos maghihiwalay ulit. Ayokong maulit 'yung nangyari sa inyo. Gusto ko pag magkaroon siya nga asawa, pang-habang buhay na,"
Nang mabanggit ni Aiko kay Anjo, na hindi sila nag-uusap ni Jomari, sinabi ng komedyante na sila rin daw ni Jomari ay hindi nag-uusap. Na ang ibig niyang sabihin ay may problema sa pagitan nila ng nakababatang kapatid.
Pero ayaw magbigay ng detalye ang mahusay na komedyante sa dahilan kung bakit nasabi niya na hindi sila nag-uusap ni Jomari.
“Pero ayoko nang pag-usapan kung bakit 'di kami nag-uusap. I just don’t wanna lie na merong hindi tama. May problema kaming magkapatid, but that’s between us. As much as possible, ayoko na lang pag-usapan,” pagbabahagi ni Anjo.
Sabi naman ni Aiko, darating ang araw na magiging maayos rin kung anuman ang nangyari sa pagitan nilang dalawa.
“Basta katulad niyan, kinasal sila, 'di ba, so I’m happy for them. Ikinasal sila even though we did not talk,”aniya pa
Ang tinutukoy ni Anjo ay ang pagpapakasal ni Jomari kay Abby Viduya sa Las Vegas, Nevada noong November 5, 2023.

Comments

Popular posts from this blog

Cecille Bravo kauna-unahang recipient ng Humanity Award mula sa Philippine Faces of Success

Bongga ang pagdiriwang ng TAK sa pangunguna ni mommy Merly Peregrino ng kanilang 2nd anniversary!

My Bae-Bi Boss, mapapanood tuwing Sabado,8pm sa YouTube channel ng KKL Production.