Bongga ang pagdiriwang ng TAK sa pangunguna ni mommy Merly Peregrino ng kanilang 2nd anniversary!


BONGGA,ginastusan at talagang pinaghandaan ng Team Abot Kamay (TAK), ang kanilang 2nd anniversary. Ang selebrasyon nila  ay ginawa sa loob ng isang linggo, sa compound ni mommy Merly Peregrino, ang mabait at generous na founder ng TAK. 
Part nito ay ang Mr. Pogay 2024, na ginanap noong April 6, Saturday, na kami ng kaibigan at kasama sa panulat at co-host sa online show namin na Marisol Academy na si Mildred Bacud ang nagsilbing hosts.
Ang nag-uwi ng titulo na Mr. Pogay 2024 ay si MJ Palacios. Na bukod sa pagiging grand winner, ay tumanggap din siya ng special award na Best In Swimwear.
Bukod sa korona at sash, nag-uwi rin ng cash prize si MJ ng 8,000.00 
Kinabukasan naman, Sunday,April 7 ang huling pagdiriwang ng anniversary ng TAK. At sa gabing 'yun ay may pa-raffle si mommy Merly para sa lahat ng members ng TAK  na nandoon, kasama na rin kami ni Mildred at co-PMPC member na si Timi Basil,  at ang dalawa ring kasama sa panulat at kaibigan na sina Joey Austria at DJ Janna Chu Chu ng Barangay LSFM 97.1, na sila namang dalawa ang tumayong hosts sa gabing yun.
Nagbigay saya sa lahat ang Singtonado singing contest at TikTok Dance contest na sinalihan ng mga members ng TAK. 
Kasabay ng pagdiriwang ng 2nd anniversary ng TAK ang pagpapakilala sa bagong talent ni Mommy Merly na si Jess Napucao Soriano na isang part-time actor at Tiktokerist. 
Naging special guest naman sa event ang mahusay na rapper na si Mike Kosa, na ipinarinig ang ilan sa kanyang hit songs.
Napakasaya talaga ng pagdiriwang ng second anniversary ng TAK. At nagpapasalamat kami kay mommy Merly sa imbitasyon niya sa amin, na maging bahagi ng kanilang anibersaryo.
More power sa TAK. At sana ay tumagal pa ng maraming taon ang TAK,na ang layunin ay makatulong sa mga nangangailangan 

Comments

Popular posts from this blog

Cecille Bravo kauna-unahang recipient ng Humanity Award mula sa Philippine Faces of Success

My Bae-Bi Boss, mapapanood tuwing Sabado,8pm sa YouTube channel ng KKL Production.