Cecille Bravo kauna-unahang recipient ng Humanity Award mula sa Philippine Faces of Success
SUNOD-SUNOD ang mga awards na natatanggap ngayon ni tita Cecille Bravo dahil sa pagiging philanthrophist niya. Kamakailan nga lang ay tumanggap siya ng Humanity Award, mula sa Philippine Faces of Success 2024, 1st Philippine Trending Brand 2024, at 1st Philippine Fashion Pillars Award 2024, na ginanap sa Teatrino Promenade Greenhills, San Juan.
Si tita Cecille ang kauna-unahag recipient ng Humanity Award. Kaya naman sobrang saya siya sa award na kanyang natanggap.
Ang Humanity Award ay ibinibigay sa isang tao na buong pusong tumutulong at bukas ang palad sa lahat ng mga nangangailangan. At 'yun ay si tita Cecille. Isa siyang tunay na philanthropist kaya iginawad sa kanya ang naturang award.
Bukod sa Humanity Award na natanggap, ay pinarangalan din ang kumpanya nina tita Cecille at tito Pete, ang Intele Builders Development Corporation, at ganundin ang dalawa nilang mga anak na sina Miguel at Maricris.
Nakatanggap din ng award ang aming best friend na si Janna Chu-ChU Fontanilla at sina Ima Castro, Sephy Francisco, Jovan dela Cruz at Raymond Saul, Sheryl Cruz, PAO Chief Persida Acosta, Joel Cruz, Arnelle Ignacio, Odette Khan at marami pang iba.
To tita Cecille,our congratulations!
Comments
Post a Comment