My Bae-Bi Boss, mapapanood tuwing Sabado,8pm sa YouTube channel ng KKL Production.
SINA June Navaja at Vincent Marcelo ang mga bida sa BL series na My Bae-Bi Boss, mula sa KKL Film Production at ni Rodel Bordadora, at mula naman sa panulat at direksyon ni Elsa Droga.
Si June ay gumaganap bilang si ofJonas, while si Vincent ay bilang kanyang boss na si Ram.
Hindi ito ang first time na gumawa si June ng isang BL series.
"Dati may nagawa na akong BL series kaso lang, hindi naipalabas. Ito bale ang first BL series ko, na ipapalabas,"sabi ni June.
Sa tanong naman kay Vincent kung may kissing scene sila ni June sa My Bae-Bi Boss since silang dalawa ang magkarelasyon dito, ang sagot niya ay wala.
Kung walang kissing scene sa My Bae-Bi Boss sina June at Vincent, ay kakaiba pala ito sa mga BL series na naipalabas na, na ang mga bida ay may kissing or daring scenes.
Paliwanag nga ni Direk Elsa sa pagkakaiba ng My Bae-Bi Boss sa ibang BL series,"Ang kaibahan ng BL series na ito ay, all in one siya. All in one..friends, family,love ones, career, parang connected sa totoong buhay nila 'yung mga roles nila,"
Na ayon pa kay Elsa, ay wholesome at may pampakilig pa rin naman ang tema ng My Bae-Bi Boss.
Sa tanong kina June at Vincent, kung mabibigyan ulit sila ng pagkakataon na gumawa ng BL series, sinong sikat na aktor ang gusto nilang makapareha, ang sagot ni June ay si Piolo Pascual.
"Hindi naman kaila sa atin na marami ang nagpapantasiya kay Piolo. Hindi ko ma-imagine na gagawa siya ng BL series. Kasi malaking artista siya. So, mahirap siyang mapa-oo na gumawa ng BL series. Baka pumayag siya 'pag sa akin na, noh!"ang natatawang sabi ni June.
Ang sagot naman ni Vincent na gusto niyang makapareha ay si Toni Labrusca. Gaya niya raw kasi ay matangkad din si Toni at mukha rin itong suplado kung titingnan.
Kasama rin sa My Bae-Bi Boss ang aming kaibigan, ang aktor at host na si Mar Soriano aka Mommy Dora, na gumaganap siya bilang si Ruffa.
"Ako 'yung parang kanang kamay o supervisor ni Boss Ram. Masungit po ako rito. And tingnan natin kung mai-inlove ba ako kay Carlo (Jayson Tan) o hindi. So 'yu ang abangan natin,"sabi ni Mar sa kanyang role sa My Bae-Bi Boss.
At kahit nga nagbida na sa ilang series ay okey lang na mag-support si Mommy Dora sa mga baguhang artista.
"Hindi naman big deal sa akin if bida o support ako sa series o pelikula na ginagawa ko. Kasi minsan din naman ako naging baguhan at sinuportahan ng mga nauna sa aking actors.
“Para sa akin kasi ang mahalaga may trabaho ako at nakatutulong ako sa mga baguhan.”
Natutuwa kami kay Mommy Dora dahil hindi siya nawawalan ng mga proyekto.
"Hindi kasi ako namimili ng role, basta project, basta trabaho, go ako diyan. Sabi ko nga sa mga co-stars ko sa My Bae-Bi Boss, mahalin ninyo lang yung mga ginagawa ninyo. Walang maliit, waloang malaking role. Basta kung ano 'yung ibinigay sa inyo, gampanan ninyo lang ng 100%,"sabi pa ni Mommy Dora.
Makakasama nina June, Vincent at Mommy Dora sa My Bae-Bi Boss sina Dindo Caraig, Robic Villanueva, Gabo Barretto , Wennie Brion, Calli Fabia, Feriesa Maniaol, Harold Yumang,at marami pang iba.
Ang My Bae-Bi Boss ay mapapanood every Saturdays, 8:00 p.m. sa Youtube Channel ng KKL Film Production.
Comments
Post a Comment