Cecille Bravo natupad ang pangarap na magkaroon ng jingle ang kumpanya nila ni Don Pedro na Intele Builders and Development Corporation

Masayang-masaya ang philanthropist at celebrity businesswoman na si tita Cecille Bravo nang magkaroon at marinig niya na ang jingle ng kumpanya nila ng kanyang mister  na si Don Pedro Bravo na Intele Builders and Development Corporation titled Komunikasyon at Koneksyon.
Ang nasabing jingle ay mula sa panulat ng singer at composer na si Jopper Ril at inawit nina Ima Castro, Sephy Francisco, Jovan Dela Cruz, at Miguel Bravo.
Mapapanood na rin ang music video nito sa Youtube, Facebook, at Tiktok kasama ang Bravo's Angels, Showboys, mga tauhan ng Intele Builders Development and Corporation, at ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start.
Matagal nang plano at gustong magkaroon ni tita Cecille ng jingle ang kanilang kumpanya. Kaya talagang nagulat, at naiyak siya, noong ipagdiwang ni Don Pedro ang kanyang kaarawan, kasabay ng kanilang wedding anniversary, ay ipinanood sa kanya ang jingle ng Intele Builders and Development Corporation.
Ang jingle ay nabuo sa pakikipagtulungan ng bestfriend ni tita Cecille na si tito Raoul Barbosa at ng kanilang grupo na tinawag na Ka-Fam, na kasama rito ang aking best friend at co-writer na sia John Fontanilla.
Congrats tita Cecille and Don Pedro sa pagkakaroon ng jingle ng Intele Builders and Development Corporation.

Comments

Popular posts from this blog

Hiwaga na bida si Nick Banayo pang-MMFF ang dating,Direk Vince puring-puri si Nick

Cecille Bravo maipagmamalaki ang bagong business na Rampa

Cecille Bravo kauna-unahang recipient ng Humanity Award mula sa Philippine Faces of Success