Cecille Bravo maipagmamalaki ang bagong business na Rampa
NADAGDAGAN na naman ang business ng mutli-awarded businesswoman at philanthropist na si tita Cecille Bravo. Isa siya sa owner ng Rampa, ang newest and hottest Drag Club sa Quezon City, na magkakaroon ng soft-opening bukas ng gabi. Co-owners niya rito sina RS Francisco, Loui Gene Cabel, The Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Viñas De Luxe, Brigiding, at ang mag-asawang sina Ice Suguerra at Liza Diño.
Sabi ni tita Cecille,"This be a place na comfortably makapupunta, sabi nga straight, o ano pang preference mo, you can be comfortable of who you are. Even siguro family mae-expose sila tapos magkakaroon sila ng different prespective sa mga drag queen at sa iba pang magpe perform.
“And gusto namin siguro na maging kilala locally, gusto rin namin ito makilala internationally. ‘Yung pumunta mula sa ibang bansa. Ito ‘yung isang spot na gusto nilang puntahan ‘di ba?
At bilang isang businesswoman,ang sabi pa ni tita Cecille,"Siyempre as a businesswoman, ang iniisip ko, it has also to bring in money para we can continue to give you ‘yung magagandang performances top of the line, and we are open for suggestions kung mayroon kayong ibibigay sa amin para kung ano pang puwedeng idagdag namin para to be better and best.
“At saka lagi naming sinasabi this is for everybody, hindi namin ito ili-limit. This is a good place na parang you can feel relax with yourself, bring your friends. Hindi sila maiilang ‘pag sumama sa inyo."
Maipagmamalaki ni tita Cecille ang Rampa. Dahil aniya,“Isa rin sa maio-offer namin sa inyo ‘yung safety, nandoon ‘yung ellegance, good show, good food and affordable price.
“Siyempre, gusto naman ninyo na magtatagal kayo sa isang lugar habang nagtsitsika kayo masarap ‘yung food, we promise you something na iba naman ang take.”aniya pa
Dahil isa sa owners si Ice ng Rampa, asahan nang mapapanood siya na nagpi-perform dito.
Ang Rampa ay magkakaroon ng soft opening bukas ng gabi.Ito ay matatagpuan sa 40 Eugenio.Lopez Drive Brgy. South Triangle QC
Comments
Post a Comment