Hiwaga na bida si Nick Banayo pang-MMFF ang dating,Direk Vince puring-puri si Nick

May natapos gawing pelikula ang faith healer-actor na si Nick Banayo titled Hiwaga,na intended for Metro Manila Film Festival 2023,na siya ang pangunahing bifa.Mula ito sa direksyon ng award-winning director na si Vince Tanada.
Napanood na namin ang Hiwaga sa press preview nito thru the invitation of Direk Vince. In fairness,nagustuhan namin ito. At sa tingin namin,dapat itong mapasok sa MMFF. Pambata ang tema ng Hiwaga. May fantasy,action at comedy na sangkap ito.Di ba,ang Pasko ay para sa mga bata? Kaya sa Pasko, na opening day ng MMFF dapat ay may mapanood na ganitong klase ng pelikula ang mga bata.
Natutuwa si Nick na nakagawa na siya ng pelikula.
Sabi ni Nick,"First movie ko sa big screen. Nakagawa na rin ako ng mga short films.
"Pangarap ko talagang mag-artista kahit noong bata pa ako. Hindi ko naman akalain na matutupad ko. Nag-direk na rin ako ng sarili kong movie, nag-produce ako,pero hindi naman siya ganito kalaking movie. Sa YouTube ko lang po ipinapalabas."
Sa pelikula ay may kissing scene si Nick kay Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.
"Sa kissing scene po, sanay naman po ako. nagawa ko na 'yun sa mga short films namin dati.
"Si Gazine medyo naiilang pa talaga. Kinakausap ko siya, yun nga po parang naiilang siya. Naiintindihan ko naman po siya kasi noong una, ganoon din po ako,"
Anong lasa ng lips ni Gazini?
"Lasang Ganados."natatawang sagot ni Nick.
Samantala,puring-puri ni Direk Vince si Nick bilang isang artista.
Sabi ni Vince tungkol kay Nick,"Bihira lang ang ang magaling na artista. Kahit kasi anong training mo, kung hindi talaga magaling, walang mangyayari. Sa palagay ko, magaling talaga siya. So parang feeling ko inborn na artist siya, gusto niya talaga..kasi alam ninyo ang pinakamaganda 'yung passion mo na  gustong-gusto mo talagang umarte. At 'yun ang nakita ko sa kanya, gustong-gusto niya talagang magkarooon ng launching movie, umarte, at maging maganda 'yung pelikula.
"So tulong-tulong kami lahat. Pero more on him kasi hindi ko naman siya inutusan ng kahit ano, basta nakita niya lang yung script, in-analize niya, so 'yun lang. 
"Siguro kung minsan, gini-guide natin siya pero more on talagang siya..natural ang acting niya talaga."
Kasama rin sa cast ng Hiwaga sina Isko Moreno,Joaquin Domagoso,Ynez Veneracion,Johnrey Rivas,Gardo Versoza at marami pang iba.

Comments

Popular posts from this blog

Cecille Bravo maipagmamalaki ang bagong business na Rampa

Cecille Bravo kauna-unahang recipient ng Humanity Award mula sa Philippine Faces of Success