John Arcenas gusto maka-duet si Jayda Avanzado

Naka-chat namin ang singer-actor na si John Arcenas. Tinanong namin siya kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Ang sagot niya,"Ngayon po, nag-start na rin po ako ng mga travel vlogs ko po. John Arcenas on YouTube,"
Sa tanong naman na kung sino ang gusto niyang maka-duet given a chance, ang sabi niya,"Sa pagkanta po, gusto ko pong maka-duet si Jayda Avanzado dahil nagagalingan po ako sa kanya at feeling ko makakagawa kami ng magandang chemistry sa pagkanta,"
Kelan niya ba nalaman na marunong siyang kumanta?
"Kinwento ng magulang ko, 2 and a half years old po ako nu'ng nalaman nila na nakakanta po ako, dahil sa isang concert ni Ice Seguerra na sinabayan ko daw po siya kumanta habang nanonood. At doon po nila na-discover na kaya ko po kumanta,"
Bilang isang vlogger, pangarap ni John na maka-collab si Cong TV.
"Sa kanya po talaga ako na-inspire magsimula mag-vlog at gumawa rin ng mga vlog na pwedeng makapagpa-inspire din po sa kabataan,"
May dalawang kantang nagawa si John. Ito ay ang A SIngle Smile mula sa komposisyon  ni Romer Timbreza at Tanging Pag-Ibig  Ko, mula naman sa komposisyon ni Elmer Blancaflor, under Vehnee Saturno.
"Gusto ko rin pong magpasalamat ng sobra kay Sir Romer timbreza dahil ipinagkatiwala niya po yung kanta nya saakin at napakalaking hakbang po iyon sa karera ko sa pag kanta,"
Nalulungkot lang si John dahil sumakabilang-buhay na si Romer.
Si John ay nasa pangangalaga ng aming kaibigang si Tyronne  James Escalante.


Comments

Popular posts from this blog

Cecille Bravo kauna-unahang recipient ng Humanity Award mula sa Philippine Faces of Success

Bongga ang pagdiriwang ng TAK sa pangunguna ni mommy Merly Peregrino ng kanilang 2nd anniversary!

My Bae-Bi Boss, mapapanood tuwing Sabado,8pm sa YouTube channel ng KKL Production.